Isulat ko lang ung mga nalalaman ko tungkol kay invoker. Para mabasa nyu!
Si Invoker ay isang hero (model nya ay sa
Blood Mage ng war3 ladder, kulay puti nga lang). Isa siya sa mga hero ng dota na kumplikado gamitin dahil sa kakaiba nyang paraan ng pag pili ng skills. Ito ang malupit na "invoke" style.
Ang invoke na sinasabi ko ay ang paraan ng pagpili ng mga base skills nya bilang "prerequisite" sa pag- iinvoke para maglabasan lahat ng tinatago nyang... tinatago nyang... tinatago nyang... (kayo na magtuloy
). tinatago nyang lakas! Ang bilang ng skill na pede nyang ilabas ay depende sa permutation na kaya mong gawin gamit ang tatlo nyang base skill (Quas, Wex, Exort <- pinadali ung hotkey kasi Q,W,E lang ang iisipin mo, R para sa invoke... OHA ASTIG UN! WOW!
)
Ang problema nga lang, mahirap kabisaduhin ang mga skills nya dati sa sobrang dami! Akalain mo!
Tatlo ang elements(ung mga base skill), repetition is allowed, order matters.
3 x 3 x 3 = 27!
Whew! Dinugo ako dun sa math, putek, kaya ayoko mag- math eh... dpat pa mag- aral
27 skills! Tapos hindi mo pa kailangan ang karamihan sa mga skills d2, iilan lang ang may pakinabang, iilan lang ang malaki bumawas.
Dati ng lumabas si invoker sa 6.12~6.14 na version ata un, pero tinanggal din agad dahil sa imbalance issues (meron mga pagkakataong sobrang lakas, minsan nman higanteng meteor na ung dala nya di pa makapatay ng kuto yan...)
Tapos un nga, nawula siya! (side note- nagparamdam yan sa official 6.49, kung alam nyu ung "easter" versions ni icefrog na madalas ay napupunta dun sa mga 6.x9 versions, hahanapin mo un.)
6.50 binalik din sya! bilang isang official na hero sa scourge (mga kontrabida, in short -> mga kontra sa bida... KORNI KO TALAGA
). Dati kasi nasa "fun" tavern yan (nakapwesto un sa lower ryt ng 6.14). ngaun nasa scourge na siya, meaning official na ung pagka- implement nya dahil nasa hero roster na sya.
Parang pa- ikot ikot ako dun sa tinype ko kanina ah
Para dun sa mga nagtataka baket ung mukhang tao na si Kael (name ng invoker) ay nasama sa mga mukhang- asong scourge, ay may history kasi talaga yan. Medyo kumplikado, kasi nag- "deviate" away ung kwento warcraft pag- dating ng WoW (world of warcraft online RPG). Ganado ako mag- explain ngayon, kahit badtrip na kayo sa pinagsususulat ko, wala kayong magagawa. Kailangan nyo kong tiisin! wahahaha!
Ok, balik sa topic:
Dati ang forces ay (Warcraft III: The Frozen Throne)
Human + Orc + Night Elves
VS. Undead + Naga at kung anu- ano mukhang aso din na kalaban
Ngayon (Style nman ng WoW)
Human + Dwarves (Race ni Zeus yan ah) + Gnomes (Kardel) + Draenai (Mga tulad ni Gondar)
VS.Orcs + Taurens + Undead + Trolls + Blood Elves (<- Yan, e2 ung race ni Kael, mga salbahe pala to)
Kwento ng kaibigan ko, dati daw mga mababait ung mga kumag na to (High Elves pa tawag sa kanila dati). At meron silang source of power na tinatawag na "Sunwell". Ang problema, likas na "power- hungering" ang mga High Elves, merong event na sumira sa Sunwell at napilitang maghanap ng ibang source of power ang mga ito. At yun na un, may lumapit na salbahe din, at inalok sila ng supreme power (rawer-rawer-rawer!) kapalit ng loyalty nila dito. Ayoko nang pasukin pa ang mga ibang detalye, lumalayo nanaman ako sa topic
.
At ngayon, ay pinadali na nga si invoker. Sampu nalang ung skills nya, depending din sa prerequisite nya ung skills, pero ngayon, order doesn't matter na (kaya sampung combinations).
*Teka, pahinga muna... babalik ako, aayusin ko pa yan*